Tip Mula Sa Panauhin

Tip Mula Sa Panauhin

Ginandahan ko ang pasadya ng Panauhin kasi parang special ang kanyang pagbibigyan at para ma-satisfy din ang Panauhin. Para maisipan din niya na umulit dito sa atin. Ang pick-up ng kanyang pasadya ay February 14 ng 6:00 ng gabi. Pagdating ng Panauhin ay todo assist ko pa rin sa kanya. Binigay ko na ang kanyang mga ipinasadya at mukhang tuwang-tuwa ito.
Medyo bulky ang mga bouquet kaya naman nahirapan ito bitbitin. Nagpaalam sa akin ang Panauhin na babalikan na lang ito at malapit lang sa tindahan ang kanyang sasakyan. Pagbalik ng Panauhin ay may dala na itong paper bag na paglalagyan nito. Pinaka sigurado ang bouquet na ito na hindi masisira sa kanyang paper bag. Nagpa-assist pa ulit ang Panauhin na mayroon pa itong bibilhin sa loob ang sabi ko ay ako na po ang kukuha para hindi na siya mahirapan.
Pagkabayad ng Panauhin sa kanyang mga pinasadya ay nag-aabot ito ng tip na pera sa akin. Sabi ko sa Panauhin ay bawal po sa amin ang tumanggap ng tip dahil trabaho namin ang magbigay ng magandang serbisyo. Ang sabi ko sa Panauhin ay umulit na lang siya kung sakaling nagustuhan niya ang ating serbisyo.